Magtinda’y Hindi Biro

Posted on

Entrepreneurship is a  priceless SellingSndwchslife skill. In our case, my teen-aged daughters went through such training to stimulate the selling skills in them. They are budding artists as far as they are concerned (and I know it). But then they also need to learn how to “sell” their services (being artists) to people from their chosen industry.  In the same token, hands-on selling of physical products is also a skill that can be learned only by actually doing it. For as long as they are old enough to handle money; as long as they can communicate and socialize properly with different folks from the neighborhood, from the community (locally or virtually);  and as long as they have the willingness to learn and appreciate the act of being a concerned family member, they are good to go.

This is the time in our family when resources are starting to get very scarce. Their father (our sole provider) has been defaulting in his remittances. And now is the right time for them to learn the virtue of unselfishness. Hindi sa lahat ng panahon, masagana ang buhay. Kailangan din nilang matutunan kung paanong harapin ang buhay na gaya ng ibang mga batang tumutulong sa mga magulang para mairaos ang isang araw na hindi kumakalam ang sikmura.  At nasa tamang edad na sila para sa makatotohanang pagharap sa mga sitwasyon ng isang ordinaryong pamilyang tulong-tulong na naghahanap-buhay upang gumaan ang pagharap sa mga pagsubok. At iyon ang ginampanan ng mga anak ko.

Habang natutulog pa ang lahat, inihahanda ko na ang mga produktong tinapay na pambaon ng mga estudyante at mga manggagawang walang panahon gumawa ng baon nilang pang-meryenda sa school at sa trabaho.  Sila ang araw-araw na nakakasalamuha ng mga anak ko tuwing umaga, simula alas-sais hanggang alas-otso ng umaga.  Kadalasang nauubos ang mga paninda nila sa loob lamang ng dalawang oras at masaya silang umuuwing dala-dala ang kanilang kinita sa umagang iyon.  Kung hindi naman nauubos, masaya naman nilang “inuubos” ang natira nilang ng paninda! (Walang silang kalugi-lugi!) At sa harap ng agahang inihanda ko habang nagtitinda sila ng mga sandwiches, masaya silang nagku-kwentuhan sa mga naganap at na-experience nila sa bawat umagang unti-unti na nilang nakakasanayan.

First lesson of the day in Values Education – done! Congratulations mga anak! Sa uulitin, ha? 😀

ChildrenVery proud of you! Keep up the good work!

Note: This routine lasted for two months. Dahil kahit na masaya ang naging experience nila, hindi naman naging profitable ang business venture, sad to say. It’s time to move on to another product experiment.

Hayyy…buhay!!! 🙂

 

Top
%d bloggers like this: