I Found It!

Posted on

Soul-searching…in the last couple of years, I have been trying to search for it…my soul, my heart. Sa paulit-ulit kong paghahanap, matagal ko na palang nakita. Ayoko lang tanggapin, ayokong i-acknowledge, ayokong i-consider as my major goal in life. Sa araw-araw kong pagtanggi sa lahat ng ipinapakita sa akin ng Universe, I finally am accepting it…embracing it. I finally found my purpose in life!

Tuwing umaga, sa oras na magmulat ang mga mata ko bigla na lang pumapasok sa isipan ko kung ano ang dapat kong gawin para sa katuparan ng mga pangarap ko – and today I woke up with my heart saying – “baby steps…just do it”.  

JustDoIt

Kinakausap na ako ng Divine Higher-Self ko. My Intuition. Sinasagot na nya ang mga paki-usap, ang mga bulong at mga tanong ko. Kung saan ako papunta, kung ano pa ang silbi ko sa buhay ko, kung may magagawa pa ba ako sa kabila ng mga physical na karamdamang hindi ko gustong gamitan ng mga panlunas na artificial at chemical. Kung may matutulungan pa ba akong tao sa kahit na anong paraan, na pinipilit kong tuklasin kung ano.  Ang sagot nya…”Motivational Teaching on Parenting”. Actually, matagal na akong sinagot ng Universe, matigas lang ang ulo ko…resistant, stubborn, with selfish thoughts that parenting, per se, is a universal obligation, should be done by all parents, and everybody (supposedly) knows how to raise their own children, there’s nothing new to it, it’s normal. Parents have their own choices on how to bring up their own children. I know how and I don’t want anybody to hear how I do it, I don’t think they need to hear my own parenting style…I don’t want to share…because I am not perfect…I am not really a perfect parent and most of all – ayokong mange-alam. Isang bagay na mahirap tanggapin sa sarili ko ang mange-alam dahil alam ko, sa sarili ko, na ginawa ko ang lahat para mapalaki ng maayos at mahusay ang mga anak ko, na kahit na sinong magulang ay ALAM gawin yun.

Sa buhay kong ito, sa tanda kong ito, hanggang ngayon, ang alam ko lang na gawin with passion and with all my heart, na kahit paulit-ulit at araw-araw kong gawin, na kahit hindi tapatan ng salapi o kahit walang sweldo, sa kabila nang humihina kong katawan– ay ang makasama ang mga anak ko sa araw-araw, makatulong sa mga hindi nila kayang gawin sa loob ng bahay, maging gabay sa lahat ng mga mithiin nila sa buhay, maging tanglaw nila sa bawat pagsubok na tatahakin, maging ina sa lahat ng sandali. Masaya akong ipagluto sila, masaya akong ipaglaba sila, masaya akong turuan sila ng kung anu-ano tungkol sa buhay at education, masaya akong magtahi, maghabi, mag-ganstilyo para sa kanila (dahil lumalabas ang pagiging creative ko pagdating sa kanila), masaya akong ayusan sila, masaya akong ipag-bake sila ng kung ano man ang request nila (cakes and pastries). Kahit nakakapagod. Kahit maubos ang lakas ko sa buong araw. Kahit na hindi ako lumabas ng bahay. Kahit na hindi ako makapasyal sa malayo. Kahit na wala akong maraming salapi (pero mas masaya syempre kung meron). ITO LANG. Ganito lang, masaya na ako. Kahit araw-araw pa akong auto-pilot, walang kaso sa akin.

Siguro para sa ibang tao, sa palagay ko, naiisip nilang maliit na bagay ito…unproductive, counter-productive, boring, madali lang, kayang-kayang gawin ng kahit na sinong nanay o tatay. Pero para sa akin, nahanap ko na nandito nga ang puso ko. Sa dami na nang pinag-daan ko sa buhay, sa lahat ng kaisipang kailangang mag-survive, kailangang kumita, kailangang magkipag-kumpetensya sa larangan na napasukan ko, sa lahat ng mga pagsubok na napag-tagumpayan ko, sa lahat ng mga hirap na hindi ko inatrasan, sa lahat nang iyon…tapang, lakas ng loob o courage lang ang ipinan-tapat ko – at hindi kasama ang puso ko. MyKidsCourage na sinamahan ng mga taimtim na panalangin na bigyan ako nung “courage” na kailangan ko, sa tuwing sasabak ako sa iba’t-ibang klaseng laban ng buhay…hindi ko man nakita ang puso dun, siguro ang dahilan kaya ako nakalampas sa mga pagsubok na iyon ay sa dahilang naka-tuon pala ang puso ko para sa mga anak ko…para pala sa kanila ang lahat ng tagumpay ko. Amazing…such realization and acceptance came just now! A humbling experience in my life. I should have known this a long time ago.

At ngayong natagpuan ko na kung nasaan ang puso ko, dito ako magsisimulang humugot ulit kong papaano kong maisasakatuparan ang silbi ko pa sa buhay – ang maging ina, nanay, mama, mudra, mommy, mother para sa mga anak ko at para sa mga gustong ituring akong nanay-figure nila. Kung may maibabahagi man akong makakatulong sa kanilang mga dinadala, na nakatago lang sa mga puso nila, sa mga makakabasa ng mga sinusulat ko (kung meron man), kung meron man silang gustong sabihin, handa ko na silang pakinggan ngayon at maging mama na rin para sa kanila, kahit na pansumandali lamang. Baka sakaling maging makabuluhan din ang mga interactions namin at higit pang makatulong sa akin (on my own self-growth & development) at sa ibang taong gaya ko na gusto lang nang may nakakausap o may makaka-usap. 🙂

Many blessings! 

 

Top
%d bloggers like this: