Ang Kumikita Kong Hobby

Posted on

Buko PieFor the first time (ever) a neighbor knocked on my door to buy my own version of the famous Buko Pie! Yehey! Ang saya-saya sa pakiramdam. Isa lang ang order nya, kaya alanganin akong gawin dahil sayang ang salang sa oven at pagmamasa ng tinapay kapag isang maliit na pie lang ang gagawin at lulutuin.  Pero inisip ko na lang na kakainin na lang namin yung isang pie.  Akala ko din tatanggi na lang sya nung sinabi kong wala pang available kasi gagawin ko pa at kung okay lang na maghihintay sya ng mga 2 oras. Willing naman syang maghintay. Kaya ginawa ko kaagad.  Buti na lang may naka-stock akong buko filling na luto na.  Two hours later, ready na ang pie. Mainit pa nung hinatid ko sa kanila.  And to my surprise, binili pa nya yung dalawang pie.  Haha! 😀

Sana laging ganito.  Sana marinig na ng Universe ang hiling ko. Na sana dumami na silang kumatok sa pinto ko para bumili ng masarap na Buko Pie! Buko Pie kayo riyan! 

 

Top
%d bloggers like this: